Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang panawagan ng iba’t ibang grupo na magdeklara ng climate emergency sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Fr. Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines, kasabay ng selebrasyon ng Earth Day ngayong araw, Abril 22.
Hinimok din ni Labiao ang pamahalaan na gumawa ng aksiyon para matugunan ang mga epekto ng pabago-bagong klima. Maliban sa Caritas Philippines, nagpahayag din ng suporta sa panawagang ito ang CBCP-Episcopal Commission on Health Care, CBCP-Office on Women, Council of the Laity of the Philippines, Catholic schools at iba pa.
Matatandaang sumugod sa Mendiola Peace Arch ang iba’t ibang climate advocates noong Huwebes para ipanawagan kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng climate emergency sa buong kapuluan.