Iminungkahi ng isang mambabatas na dapat gawing libre ang pagkuha sa lisensya ng mga driver ng Public Utility Vehicle (PUV).
Ayon kay Cibac Party-List Rep. Eddie Villanueva, huwag nang singilin sa pagbabayad ng aplikasyon o renewal fee ng lisensya sa pagmamaneho ang mga tsuper upang mabawasan ang kanilang gastusin dahil sa maliit na kita sa pamamasada.
Bukod kasi sa mataas na singil sa langis, mahal din ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado bunsod ng epekto ng pandemiya.
Iginiit ng kongresista na pawang minimum-wage earner lamang ang mga puv driver at “mabigat na sa kanilang bulsa” Kung sisingilin pa sa bayarin ng lisensya.
Nabatid na karamihan sa mga pumapasada sa rural areas ay hindi mga lisensyado o kaya’y expired na ang mga ito dahil sa mataas na singil sa pag-a-apply o pagre-renew ng driver’s lincense.