Inihayag ni House Deputy Speaker at Batanggas Representative Ralph Recto na hindi kawalan ng pondo ang dahilan ng kakulangan sa plastic ID cards para sa drivers license ng Land Tranportation Office (LTO).
Ayon sa mambabatas, bunga ng kakulangan o kawalan ng diskrate at sablay na pagpaplano sanhi ng kasalukuyang problemang kinahaharap ng ahensya.
Paliwanag pa ni Recto, katumabas lang ng higit tatlong araw na kita ng LTO ang 249 million pesos na kailangang pondo para sa 5.2 million piraso ng nasabing ID cards.
Giit pa nito na kalokohan na may problema ang bansa sa plastic para sa pag-imprenta ng lisensya dahil ikatlo ang bansa sa buong mundo na pinagmumulan ng marine plastic solution.