Malaki ang posibilidad na hindi maramdaman ang malamig na simoy na hangin ngayong disyembre.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay bunsod na rin ng umiiral na strong El Niño sa Pilipinas na nagpapahina sa epekto ng hanging amihan.
Kung pagbabatayan naman ang pag-aaral ng World Meteorological Organization o WMO, 2015 ang may pinakamainit na global surface temperature sa kasaysayan.
Idinagdag pa ng WMO na ang taong 2011 hanggang 2015 ang pinakamaint na five year period sa kasaysayan.
By Meann Tanbio