Aprub na sa senado ang panukalang 150 pesos across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Inaasahan naman na ilalabas ang committee report nito sa loob ng dalawang linggo at maipapasa ang panukala bago mag-adjourn ang kongreso sa Hunyo.
Ayon kay Senate President Miguel Zubiri, na kakayanin naman ng pinakamalaking korporasyon sa bansa na magbigay ng umento partikular ng 150 pesos na dagdag sa arawan na minimum wage o 3,000 pesos kada buwan.
Napapanahon na anyang itaas ang minimum wage at gawan ito ng batas dahil mula ng maitatag ang Regional Wage Boards noong 1989 ay 500% lang ang itinaas ng minimum wage sa labing pitong rehiyon at marami ring employers ang hindi nagbibigay ng tamang sweldo sa takdang panahon gayundin ng 13th month pay.