Pinaigting ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkolekta sa mga electronic and manual feedback forms.
Ito’y sa gitna ng paglobo ng mga reklamo laban sa Immigration Officers.
Gaya ng mahabang pila ng mga pasahero dahil sa kakulangan ng Immigration Officers sa immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 arrival area.
Dahilan ito upang magkaroon ng revised electronic and manual feedback forms sa lahat ng tanggapan ng BI sa buong bansa.