Aprubado na sa House Committee on Agriculture and Food ang Substitute Bill para sa panukalang Philippine Salt Industry Development Act o panukalang nagsusulong ng pagbuhay sa industriya ng asin sa bansa.
Batay sa panukala, gagamitin ang developmental approach sa halip na regulatory lamang sa pamamahala sa industriya ng asin.
Gayundin ang pagtukoy sa asin bilang isang agricultural product upang mapasailalim sa Department of Agriculture (DA) sa halip na ituring bilang mineral at nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Pati na rin ang pagbuo ng Philippine Salt Industry Development roadmap at ng Philippine Salt Industry Development Council na isang inter-agency body na sisiguro na maipapatupad ng tama ang panukalang batas
Ayon kay Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, Chairperson ng Technical Working Group, tiwala siyang magiging daan ang panukala tungo sa pag-unlad at modernisasyon ng lokal na industriya ng asin.