Ini-level up pa ng SM Foundation Incorporated ang misyon nitong palakasin ang agriculture at entrepreneurial skills ng mga magsasaka.
Kasunod na rin ito nang paglulunsad ng SMFI ng kabalikat sa KSK-SAP o kabuhayan on sustainable agriculture program sa ibat ibang lugar sa Calabarzon.
Sinimulan ang programa sa Padre Garcia, batangas at naikasa na rin sa Silang, Cavite, Batangas City, San Pablo, Laguna at Calamba City.
Naghahanda na rin ang SMFI na magbigay ng libreng agri skilles training sa mga magsasaka sa iba pang bahagi ng region 4A para matulungan ang iba pang beneficiary, kanilang pamilya at mga komunidad.
Ayon sa SMFI, ang local farmer benecifiaries ay sasalang sa dalawang bahagi ng programa sa pangunguna ng partner school nitong moca family farm rlearning center, incorporated.
Gumulong ang 14 week training program na magbibigay sa mga participants ng mga kinakailangang skills at knowledge sa agrikultura.
Sakop ng modular training curriculum ang mga topic hinggil sa agri technology updates, capacity building, financial literacy, product development at market opportunities para mapalakas na rin ang kakayahan ng mga magsasaka at makapaghanap ng iba pang paraan para sa sustainable growth.
Sa unang bugso ng programa ang KSK SAP farmers ay sasali sa SM Sunday Market na collaboration ng SM Foundation at SM Supermalls para na rin direkta nilang maibenta ang kanilang fresh produce sa publiko at madagdagan na ang kanilang kita bukod pa sa masanay sila sa sales and marketing aspects ng kanilang agri businesss.
Bilang paghahanda naman sa second phase ng programa bibigyan ng SMFI ng assistance ang mga magsasaka sa pagpo formalize sa kanila kanilang grupo at para makatulong sa pagsusulong ng ekonomiya ay susuportahan nila ang mga magsasaka sa pagbuo ng isang farming community katuwang ang kanilang partner agencies.
Lumutang ang idea ng KSK SAP mula sa bision ni SMFI Founder Henry Tatang Sy, Sr. para makatulong sa mga magsasaka na mapataas ang kanilang kaalaman sa pagsasaka, food security at livbelihood know how ng Pinoy farmers.
Sa mga nakalipas na taon, ipinagmalaki ng Sm Foundation Incorporated ang paglago ng programa bilang comprehensive training program na makapagbibigasy ng mga oportunidad para sa skills development, employment at livelihood.
Simula nang gumulong ang program nuong 2007 mahigit 28,000 magsasaka na sa buong bansa ang natulungan ng KSK SAP na mapalakas ang kanilang entrepreneurial at farming capabilities kung saan ilang graduates ay naging suppliers na para sa SM Group at iba pang local markets.
Ang KSK SAP ng SM Foundation Incorporated ay ikinasa sa pakikipag sanib puwersa sa SM Supermalls, TESDA, Department of Agriculture, DSWD, DOST, DTI, DOT at partner farm schools nito.