Nanawagan si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones, na dapat i-monitor ng Department of Agriculture ang oversupply ng itlog sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Cong. Briones na sumobra ang biniling breeder sa bansa na nagpoproduce ng paitluging manok.
Iginiit ng mambabatas, na dapat mabantayan ng DA ang suplay ng itlog upang maiwasan ang pagkalugi ng mga nag-aalaga ng inahing manok at manatiling pantay at maganda ang presyo nito sa merkado.
Aminado si Cong. Briones na marami nanamang nag-aalaga ng mga manok ang magsasakripisyo dahil sa sobrang suplay ng itlog partikular ang mga consumer kaya dapat na bawasan ang mga breeder.
Nanawagan din ang kongresista na sakaling magtalaga ng bagong kalihim sa DA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mas mainam na piliin ang may paninidigan at kayang ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka.