Inirekomenda ng Private Sector Advisory Council (PSAC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng dalawang milyong trabaho para sa mga habal-habal rider.
Sa isusulong na panukala, dadaan sa training ang mga rider hinggil sa safety standard upang masigurong ligtas ang mga pasaherong sasakay dito.
Matatandaang, una nang naimungkahi sa Pangulo ang pagkakaroon ng motorcycle micro business program bilang suporta sa nanopreneurs na siyang lumalakas na puwersa sa bansa. - Sa panunulat ni Elaine Dimalanta