Magdagdag ng karagdagang exploration wells sa Malampaya gas facility.
Ito’y sa ilalim ng pag-renew sa kontrata ng Department of Energy (DOE) sa Malampaya gas facility ng karagdagang 15 taon.
Layunin ng naturang plano na madagdagan ang suplay ng enerhiya sa bansa sa gitna ng pagnipis ng suplay nito.
Ayon kay DOE Undersecretary Sandy Sales posibleng gumastos ng nasa 80 hanggang 90 million dollars ang kada exploration wells at nasa karagdagang 330 hanggang 360 million dollars naman ang posibleng magastos sa pagsasaliksik sa naturang mga balon para mapakinabangan.