Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation–Pampanga ang isang Chinese national matapos magbenta ng mga pre-registered sim card.
Nakita ng mga otoridad ang assorted sim cards sa mga advertisement sa social media, na ipinagmamalaking pre-registered na sa ibang pangalan.
Pumapalo naman ang presyo ng mga pre-registered sim sa halagang 3,000 hanggang 6,000 pesos na pinapasa sa mga pogo company para makapang scam.
Ang mga sim naman na may espesyal na numero ay umaabot ng hanggang 500,000 ang presyo.
Base sa Sim Registration Law, ipinagbabawal ang pagbebenta o pag-transfer ng rehistradong sim.
Kinasuhan na ang salarin ng paglabag sa Civil Registration Act na may parusang kulong na anim na buwan hanggang anim na taon.
Nagpaalala ang DICT na huwag kumagat sa mga fixer na nag-aalok irehistro ang sim kapalit ng bayad.