Nagpaalala sa publiko si Senator Christopher “Bong” Go, na sundin ang ipinatutupad na mga patakaran para maiwasan ang anumang epekto o pinasala ng paparating na bagyo sa bansa.
Muling inihirit ng senador ang pagkakaroon ng disaster resilience na siyang tututok at maghahanda sa posibleng pagpasok ng kalamidad sa bansa partikular na ang bagyo at lindol.
Ayon kay Sen. Go, kabilang sa mga dapat paigtingin ang mas maayos na koordinasyon, pamamahagi ng ayuda, maagang pagpapalikas ng mga residenteng posibleng tamaan ng bagyo sa mas mataas at mas ligtas na lugar, maging ang restoration, at rehabilitation efforts.
Sinabi pa ng senador, na dapat ding makiisa ang publiko at makinig sa mga payo ng gobyerno, para mapanatili ang kaligtasan laban sa banta ng bagyo.
Nanawagan din si Senator Go, sa Department of Social Welfare and Development at mga lokal na pamahalaan, na bigyan ng mas maayos na malilipatan, kagamitan, gamot at pagkain ang mga lilikas.