Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines na maaaring gamitin ang mga itinayong pasilidad sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement laban sa banta ng paparating na typhoon Mawar.
Matatandaang sinabi ng PAGASA Weather Bureau, na inaasahang papasok mamayang gabi o bukas ng umaga ang super typhoon mawar, na magdadala ng mga pag-ulan sa ilang lugar sa bansa partikular na sa Southern Luzon, at Visayas.
Ayon kay AFP spokesperson col. Medel Aguilar, sakaling maglunsad ang ahensya ng humanitarian assistance and disaster relief operations, makakatulong ang EDCA sites sa preposition ng relief goods na ibibigay para sa mga maaapektuhan ng naturang bagyo.
Kabilang sa mga nakumpletong EDCA sites ay matatagpuan sa basa air base sa Floridablanca, Pampanga at dalawa sa Antonio Bautista air base sa Puerto Princesa, Palawan.