Mas palalakasin ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang monitoring o pagbabantay sa mga pulis at sundalong masasangkot sa iligal na gawain.
Kasunod ito ng balitang may mga Private Armed Groups (PAGs) ang ginagamit at pinopondohan ng ilang mga politiko para sa kanilang pansariling interes.
Bukod pa dito, halos 50 PAGs din ang napag-alaman na nakatakdang ideploy sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon sa AFP, mas lalo silang maghihigpit sa kanilang mga tauhan, lalo na yung mga pulis at sundalong nagretiro at wala na sakanilang serbisyo.
Matatandaang sa naging pagdinig sa senado, ilang senador ang uminit ang ulo at nagpahayag na dapat patawan ng parusang kamatayan ang mga pulis at sundalong mapapatunayang sangkot sa iligal na gawain ng isang politiko.
Iginiit ni AFP Spokesperson col. Medel Aguilar, na nakikipagtulungan na sila sa PNP na may kakayahan sa pagpapatupad ng batas, para bantayan ang mga lugar gaya ng Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Caraga, Cordillera Administrative Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para magbigay ng seguridad sa nalalapit na halalan.