Handang tugunan ng Meralco ang mga posibleng power outages na maaaring idulot ng Super Typhoon Mawar sa Pilipinas.
Ayon kay Meralco Vice President Joe Zaldarriaga, ang kanilang kompaniya ay nakaantabay bente kwatro oras para tumugon sa anumang emerhensya gaya ng pag-isyu ng advisories para sa precautionary measures.
Naka-stand by na aniya ang kanilang mga personnel para tumugon sa anumang maaring maging pinsala sa pasilidad sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Inabisuhan na rin ng kanilang ahensya ang mga may-ari ng billboards at operators habang papalapit ang bagyo sa PAR dahil isa aniya ito sa pangunahing dahilan ng pagkawala ng suplay ng kuryente.
Kasabay nito, nagpaalala rin ang Meralco sa publiko na ugaliing i-check ang website ng Meralco upang maging updated hinggil sa bagyo.