Nananatili ang lakas ng super typhoon Betty habang kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran.
Ayon sa 10:00 a.m. Weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,170 km silangan ng gitnang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 km kada oras malapit sa gitna at pagbugso na papalo sa 240 km kada oras.
Kumikilos ang Bagyong Betty pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 km kada oras.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal no.1 sa Eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, lal-lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey) kabilang ang Babuyan at Camiguin Islands at Eastern Portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Dinapigue, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan).