Siniguro ni PAGASA-DOST Hydro Meteorological Division Chief Engineer Roy Badilla na hindi magpapakawala ng tubig ang mga dam sa bansa sa gitna ng bagyong Betty.
Ito’y dahil sa nananatili pa rin aniya ang mababang lebel ng tubig sa mga dam at karamihan sa mga dam sa luzon ay bumaba pa ang water level.
Ayon kay Badilla, ito’y kahit pa itaas sa orange at red rainfall warning ang ilang lugar sa pilipinas bukas araw ng Lunes.
Nabatid na batay sa pinakabagong ulat ng PAGASA inaasahang sa Huwebes lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Betty.
Habang sa Northern at Extreme Northern Luzon pinaka mararanasan ang malalakas na pag-ulan at dahil sa hanging habagat naman mararanasan ang manaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila simula sa bukas.