Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang patuloy na pagbulusok ng inflation sa Mayo o mananatili sa parehong antas noong abril sa gitna ng mababang presyo ng gasolina, pagkain at utility.
Batay sa kanilang forecast, inihayag ng B.S.P. Na posibleng umabot sa 5.8 hanggang 6.6 % AGN inflation rate noong Mayo.
Gayunman, ang pagtaas ng presyo ay magmumula sa mas mahal na bigas, gulay at iba pang pangunahing pagkain gayundin ang pagtaas ng liquefied petroleum gas at singil sa kuryente.
Samantala, nakatakda namang ilabas ng philippine statistics authority sa Hunyo 6 ang opisyal na inflation rate report para sa Mayo.