Gumulong na sa plenaryo ng kamara at nakatakdang pagdebatehan ang House Bill 8218 na nagsusulong ng pagtatatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o pagkakaroon ng Nuclear Energy ng bansa.
Ayon kay House Special Committee on Nuclear Energy Chairman at Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco, ang pagtatag ng philatom ang tugon sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na isakatuparan ang pagkakaroon ng nuclear energy.
Ito, anya, ay bilang solusyon sa patuloy na lumalaking energy requirement ng pilipinas, lalo’t 55 % ng coal na ginagamit upang patakbuhin ang mga power plant ay imported.
Sa sandaling maisabatas, ang philatom ang magsisilbing independent body na magpapatupad ng mga regulasyon sa nuclear technologies upang matiyak ang ligtas at maayos na paggamit ng nuclear energy.
Una nang ipinaliwanag ni Cojuangco na kung mayroon nang nuclear energy sa bansa ay hindi na magbabayad ng mahal na kuryente.
Kung nuclear power ay nasa ¢35 per kilowatt hour lamang ang babayaran kumpara sa kasalukuyang gamit na coal na nasa P10 per kilowatt hour.