Nagbigay ng paliwanag si DICT Sec. Ivan John Uy kung bakit hindi pa gumagana ang ilang features sa bagong lunsad na eGov super app.
Ayon kay Uy, hindi biro ang 455 na mga ahensya ng gobyerno, 114 state universities and colleges (SUCs), 1,600 local government units at higit 100 GOCCs na kanilang ipapasok sa super app.
Sinabi ni Uy na rasonable na lahat ng ahensyang ito ay maipapasok nilang lahat agad sa super app sa loob lamang ng sampung buwan mula nang simulan nila itong itatag.
Sa ngayon, unti-unti aniyang ginagawa ito o sa kada yugto.
Nasa inisyal na yugto pa lamang aniya sila para magamit ang ibang ahensya na handa na sa kanilang serbisyo.
Inilarawan pa ni Uy ang super app project bilang evolving product at tiniyak naman ng kalihim na patuloy silang magdaragdag ng iba pang ahensya at features sa super app hanggang sa makumpleto ito sa hinaharap.