Nag-endorso na ang Bureau of Animal Industry ng bakuna kontra African Swine Fever sa Food and Drug Administration.
Napatunayan umano ito bilang epektibo sa pagprotekta sa mga baboy laban sa ASF dahil walang side effect o ill effect ang bakuna dahil ginawan ito ng trial ng sampung beses kaysa sa normal boost.
Ayon kay BAI Asst. Dir. Dr. Arlyn Vytiaco, naisumite na ng ahensiya sa FDA ang rekomendasyon nito para sa AVAC ASF Live Vaccine kontra ASF mula sa Vietnam.
Ayon sa BAI, isinagawa mula Marso hanggang buwan ng Mayo ang clinical trials sa 6 na farm sa Luzon at lumabas ang positibong resulta.
Samantala ayon sa pinakahuling tala ng BAI nitong June 1 ay aabot na sa labinlimang lalawigan sa siyam na rehiyon sa bansa ang may aktibong kaso ng ASF.