Isa sa itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang deklarasyon ng ating kalayaan bilang isang bansa.
Kaya naman sa panahong ito ay dapat kilalanin ang kabayanihan ng bawat Super Pinoy na ipinaglaban ang kalayaan ng bansa.
At sa pagdiriwang ika 125 anibersaryo ng Independence Day, naglatag na ang SM Supermalls ng malalaking events at activities para buhayin ang Super Pinoy spirit simula nitong May 28.
Kaugnay nito ay kasado na sa June 12 ang sabay sabay na flag raising ceremony sa lahat ng SM Malls sa buong bansa kung saan hinihikayat ang mga makikiisa rito na magsuot ng mga kulay mula sa watawat ng Pilipinas na sumisimbolo sa katotohanan, pagigin makabayan at katapangan
Pagkatapos nito ay isaaagawa ang isang maikling programa na magtatampok sa Filipino modern pop music.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas isang masarap na Pinoy food trip ang sasalubong sa mall goers muka June 1 hanggang 12 kung kailan asahan na ang promos at dining deals sa loob at labas na dining spots na may temang Filipiniana.
Pagkatapos nito ay busugin naman ang ating mga mata at bumili ng latest tech, gadgets at fashion sa shop till you drop sa pamamagitan ng Super Pinoy Deals in mall o online via SM Malls Online at SM Deals.
Hindi pa dyan natatapos ang amazing experience this Independence celebration dahil mula June 9 hanggang 12 ay ikakasa na ng SM ang anito’y best deals para sa lahat ng Super Pinoys sa pamamagitan ng Super Pinoy Independence weekend sale!
Huwag ding kalimutan na bisitahin ang Super Pinoy Photo Spots kung saan tampok ang mga creative at fun photo spots at Philippine Pop o P-Pop music na ibibida sa pamamagitan ng mall speakers.
May kalayaan ang lahat na magpa litrato, gumawa ng reels at iba pang creative content sa mga photo spots at i tag ang @SMSupermalls para ma feature kayo sa kanilang social media.
Sa buwang ito ng Hunyo, patuloy na isusulong ng SM ang kalayaan, kinabukasan at kasaysayan sa pamamagitan ng mga naturang Independence Day activities at tiyaking makakapasyal sa anumang SM mall para ipagdiwang ang pagiging Super Pinoy sa kahit anupamang posible paraan.