Maaari bang maging parte ng healthy lifestyle ang pag-inom ng alcoholic drinks?
Bagamat may masamang epekto ang alak sa katawan, may iilan pa rin na hindi maiiwasang uminom nito.
Para mapanatili pa rin ang inyong healthy lifestyle, narito ang mga drinks o cocktails na maaari mong inumin:
- Dry wine (red or white) ay maganda para sa puso, nababawasan nito ang risk sa depression at nilalabanan din nito ang cancer.
Para sa low-sugar drinks, maaari mong inumin ang
- Manhattan
- Horse neck
- Negroni
- Sparkling mango and spice
Ang wine spritzer naman ay gluten free, low sugar, low calorie, low carb at caffeine free na talagang swak na swak para sa mga nagbabawas at nagmomonitor ng kanilang timbang.
Ang craft beer naman ay antioxidant rich, maganda para sa ating gut health at caffeine free.
At ang maituturing na pinaka healthy sa lahat, ang bloody mary.
Ito ay dahil ang pagdaragdag ng tomato at lemon juice sa vodka na may worcestershire sauce at tabasco ay naglalaman ng benepisyo sa kalusugan.
Ito ay mayroong potassium, sodium at vitamin C pati na rin ang heart-friendly antioxidant at lycopene.