Siniguro ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang kahandaan sa mga isasagawang proseso sa mga Pilipinong Muslim na tutungo sa Saudia Arabia para dumalo sa Hajj Pilgrimage.
Sa katunayan ayon sa BI nakipag-ugnayan na rin sila sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) upang makakuha ng advance na listahan ng mga Pinoy na dadalo sa Pilgrimage.
Nabatid na nasa pitong libong Pilipinong Muslim ang inaasahang dadalo sa Hajj Pilgrimage ngayong taon.