Ang mga nasabing proyekto ang nakikitang solusyon upang mapigilan o mabawasan ang supply interruptions sa National Capital Region.
Ayon kay NWRB Executive Director, Dr. Sevillo David Junior, may mga nakalatag na proyekto sa Laguna De Bay at upper Marikina River Basin na makatutulong upang madagdagan ang alternatibong water source para sa mga residente ng Metro Manila.
Sa gitna ng lumolobong populasyon at lumalaking demand, nagiging mahalaga anya ang pahahanap anya ng alternatibong mapagkukunan ng supply ng tubig.
Samantala, ikinakasa na rin ang repair sa mga water channels upang marekober ang nasasayang na tubig mula sa mga nasirang tubo.