Sa ikalawang magkasunod na taon ay napasakamay ng Globe nangungunang digital solutions platform ang pagkilala bilang isa sa climate leaders sa Asia Pacific Region.
Ang listahan ay ginawa ng financial times at global market resarch firm na statista bilang pagkilala sa mga kumpanyang patuloy na kumikilos para mabawasan ang kanilang greenhouse gas emissions.
Tanging ang globe lamang ang nag iisang philippine telco company na pasok muli sa listahan na patunay ng commitment nito sa climate action na suportado ng energy efficient technologies nito at sustainable network operations.
Ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability at Corporate Communications Officer ng Globe Group mas lalo pa silang naging inspired para ipursige ang roadmap tungo sa mas sustainable, low carbon future sa pamamagitan ng collaboration ng kanilang stakeholders.
Napanatili aniya ng globe ang substantial reductions nito sa core emissions intensity sa pagitan ng 2016 at 2021 na pagpapatunay hindi lamang ng financial growth ng kumpanya kundi ng dedikasyon nito sa climate action.
Bahagi ng tagumpay na ito ng Globe ang pagpapatupad ng mga climate action initiatives sa mga nakalipas na taon mula sa pagkakasa ng green network solutions pangunguna sa off grid network technologies sa remote at disaster prone areas, pag adopt sa eco-friendly batteries gayundin ng green, low carbon optical network technologies at pag shit sa renewable energy consumption sa mga pangunahing sites nito.
Kaugnay nito ay ipinasok ng Globe ang supply chain nito, pag-e-establish ng sustainability criteria sa procurement and vendor assessment processes at paghimok sa kanilang business partners na suportahan at sumunod sa sustainable practices.
Target ng Globe ang commitment nito sa net zero GHG emissions sa 2050 para sa greener operations ng kumpanya.
Nakatakdang isumite ng globe ang mga target nito sa Science Based Targets Initiative (SBTI) para sa kaukulang validation at approval sa taong ito.
Subalit bago ito naabot ng Globe ang 4.42% reduction sa kabuuang scope 1 at 2 emissions nito dahil sa na rin sa mga ipinatutupad na energy management programs ng kumpanya at patuloy na pag shift sa renewable energy sources para sa high energy sites nito.
Kabilang sa mahigpit na prosesong isinagawa ng the financial times at statista ay pagbusisi sa carbon footprint ng libu-libong kumpanya sa Asia Pacific, revenues, independent emissions data reporting, pagsunod sa scope 1 at 2 emissions reporting at dating Carbon Disclosure Project ratings (CDP).
Para sa mga dagdag na impormasyon hinggil sa sustainability commitments and strategies ng Globe bisitahin lamang ang sustainability page ng kumpanya.