Nanawagan sa mga taga-Visayas at Mindanao ang local water utilities administration na magtipid sa paggamit ng tubig laban sa epekto ng El Niño phenomenon.
Ito’y para mapaghandaan ang posibleng pagtama ng matinding tag-tuyot sa mga nabanggit na rehiyon matapos sabihin ng pagasa na posible pang uminit ang panahon na mararanasan sa ibat-ibang lugar sa bansa sa mga susunod na buwan.
Ayon sa LWUA, dapat mapaghandaan ang pagdating ng El Niño, na inaasahan sa susunod na buwan hanggang setyembre at posibleng magtagal hanggang sa unang quarter ng taong 2024.
Iginiit ng ahensya na nagsasagawa na sila ng water supply inventory sa lahat ng water district sa bansa, upang maging sapat ang suplay ng tubig sa loob at labas ng Metro Manila.
Inatasan narin nila ang lahat ng water districts, na paigtingin ang information campaign sa pagtitipid ng tubig.
Sa kabila nito, nananawagan sa kongreso ang ahensya, na magkaroon ng mas malaking pondo para sa pagpapaigting ng kanilang proyekto sa bansa.