Binigyan ng taning hanggang January 1 ang China para magsumite ng rebuttal o kasagutan sa mga alegasyon ng Pilipinas laban sa kanila sa isyu ng pangangamkam ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ibinigay ng UN Arbitral Tribunal ang deadline sa China makaraang hindi ito sumipot sa 5-araw na pagdinig sa The Hague Netherlands.
Inaasahang sa susunod na taon maglalabas ng desisyon kaugnay sa isinampang kaso ng Pilipinas laban sa China.
Una rito, iprinisinta ng Pilipinas sa UN Arbitral Tribunal ang mga ebidensya na lumalabag ang China sa mga ginagawa nilang paglalagay ng istraktura sa West Philippine Sea.
Maliban sa mga dokumentong magpapatunay sa hurisdiksyon at historical rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea, napipigilan rin di umano ng China ang mga mangingisdang Pilipino na makapangisda sa karagatang sakop naman ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
By Len Aguirre
Photo Credit: gov.ph