Matagumpay na naidaos ang second quarter nationwide simultaneous Earthquake Drill 2023 sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Greenfield District, Mandaluyong City.
Dumalo ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang na rito ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong, DILG, DOST, PHIVOLCS, at iba pa.
Sa mensahe ni Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos senior sa naturang earthquake drill, iginiit nito ang kahalagahan ng pagiging handa sa lindol, gayong itong pinipiling panahon o oras at mahalaga ang pakikiisa para sa naturang pagsasanay.
Habang ayon naman kay DOST Secretary Director Renato Solidum na totoo ang ‘the big one’ at hindi ito haka-haka kaya dapat itong paghandaan sa pamamagitan ng teknolohiya, lokal na kasangkapan, at tamang kaalaman.
Giit naman ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, na ang kahalagan na matukoy ang mga ligtas at hindi ligtas na lugar sa bansa gayong madalas ay natatrap ang mga biktima sa mga gusali. – sa ulat mula kay Agustina Nolasco (Patrol 11).
- sa panunulat ni Jenn Patrolla