Kasado na ang Job fairs sa 40 SM Malls para mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino at bilang suporta na rin sa kampanya ng gobyerno na mabawasan ang mga walang trabaho sa bansa.
Katuwang ng SM Supermalls sa halos isang buwang paglalatag ng job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE), public employent service office at local government units.
Itinakda ang job fair sa SM City Rosales sa June 11 samantalang sa mismong araw ng kalayaan o June 12, lunes ay bukas sa mga naghahanap ng trabaho ang SM Southmall, SM Megamall, SM city North EDSA, SM city Grand Central, SM city Marikina, SM city Novaliches, SM City Fairview, SM City Sta. Mesa, SM City Taytay, SM City Masinag, SM City San Mateo, SM City Urdaneta Central, SM City Lucena, SM City Naga, SM City Sta. Rosa
Sugod na rin sa SM City Molino, SM City Baguio, SM Center Dagupan, SM City Tuguegarao, SM City Cauayan, SM City Bataan, SM City Telabastagan, SM City Tarlac, SM City Olongapo Central, SM City Sorsogon at SM City Legazpi gayundin sa SM City Bacolod, SM Seaside City Cebu, SM City Iloilo, SM Cagayan De Oro Downtown Premier, SM City Davao, SM City General Santos at SM City Butuan ..para sa hinahanap na trabaho.
Samantalang sa June 16 naman kasado na ang job fair sa SM city Daet at SM city Calamba, June 20 sa SM Center Muntinlupa, June 29 sa SM City Baliwag at June 30 sa SM Mall of Asia.
Ang job fairs ay bukas sa lahat nang naghahanap ng trabaho kabilang ang mga bagong graduates, returning OFW’s at mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID- 19 pandemic.
Maaaring isumite ng job seekers ang kanilang resume at sumalang kaagad sa initial interviews ng mga kumpanyang inimbitahan ng DOLE mula sa ibat ibang industriya tulad ng retail, hospitality, business process outsourcing at iba pa.
Bonus na kapag sa pag a apply mo ay kaagad kang makatanggap ng job offer sa araw na nag apply ka!
Sa nakalipas na 15 taon o simula 2008 nagsanib puwersa na ang SM at DOLE sa pagsasagawa ng mga job fair sa buong bansa at ito ay patunay ng commitment ng SM Supermalls para maitaguyod at makapagsilbi sa mga komunidad kung saan naruruon ang SM Malls.
Para sa mga dagdag na impormasyon at update, bisitahan lamang ang www.smsupermalls.com at i follow ang @smsupermalls sa social media.