Suportado ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte ang planong pagsibak sa mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport.
Ito’y kasunod ng pahayag ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na solusyonan ang problema sa sitwasyon ng NAIA kung saan, dapat nang tanggalin sa puwesto ang mga namamahala sa naturang paliparan.
Matatandaang muling nagkaaberya sa naia matapos maantala ang suplay ng kuryente na nagdulot ng pagkaantala sa ilang flights ng mga biyahero.
Iginiit ni Duterte, na pabor siya sa mungkahi ni Dating Senate President Enrile, upang matigil na ang sunud-sunod na power failure at mas maging epektibo, ligtas, malinis, at maayos ang pamamalakad sa nasabing paliparan.