Kumpiyansa si Philippine National Railways Chairman Michael Macapagal na matatapos ang mga proyekto ng kanilang ahensya, na nagkakahalaga ng P873.6-B.
Kinabibilangan ito ng 8 istasyon mula Malolos, Bulacan hanggang Valenzuela City.
Sa oras na matapos ang proyekto, ang karaniwang oras na paglalakbay sa pagitan ng Bulacan at Hilagang bahagi ng Metro Manila ay maaaring mapaikli sa 20 minuto lamang.
Samantala inaasahan naman na ang buong proyekto ng NSCR ay makumpleto na sa 2028 kasabay ngpagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang termino sa panunungkulan.
Nabatid na ang 147-kilometer, 35-station na riles ay mag-uugnay sa mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, at Laguna sa National Capital Region. Magkakaroon ito ng 800,000-pasahero na kapasidad araw-araw na may 50 set ng tren na mayroong 8 kotse bawat isa.