Nanawagan ang isang grupo ng mga magsasaka na huwag nang ituloy ang dagdag-singil sa toll sa North Luzon Expressway.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Federation Of Free Farmers Board Chairman, Leonardo Montemayor, na maraming ginagastos ang sektor ng mga magsasaka.
Ipinanawagan pa ng opisyal, na kung maaari ay magkaroon na lamang ng exemption sa mga magsasaka bilang tulong sa kanila.
Giit pa ni Chairman Montemayor, na posibleng samantalahin ang toll fee at lalong mahihirapan ang mga magsasaka dahil sa taas na rin ng presyo ng produktong petrolyo. - sa panunulat ni Jenn Patrolla