PATAY ang tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA matapos makasagupa ng mga miyembro ng 29th Infantry Battalion ng Phil. Army sa Barangay Anticala, Butuan City.
Ayon kay 29IB civil-military operations officer 1st Lt. Jade Bryce Buñe, nakabakbakan ng mga tropa ng pamahalaan ang tinatayang tatlumpung rebelde sa Mt. Apo-Apo, Sitio Dugyaman.
Napag-alaman umano ng militar na kasama sa mga naka-engkwentro nila si Maria Malaya na kalihim ng NPA North Eastern Mindanao Regional Committee.
Si Malaya na ‘Myrna Sularte’ sa tunay na buhay ay sinasabing misis ni Jorge Madlos na kilalang lider naman ng NPA at napatay ng militar noon pang October 2021 sa Mindanao.
Gayunman, hindi naman binanggit ng militar kung kabilang sa mga napatay si Malaya.