Itinayo sa Urdaneta City sa Pangasinan ang kauna-unahang Alfamart Store na siyang ika-1,500 branch ng nasabing convenience store sa buong bansa.
Ang Alfamart ay bahagi ng food retail businessess ng SM Investment Corporation sa pamamagitan ng retailing arm nitong SM Retail Incorporated.
Malugod na winelcome ng mga taga-Urdaneta City partikular ng mga residente ng Barangay Nancalobasaan ang pagkakatayo ng Alfamart dahil hindi na nila kailangang lumayo pa para makabili ng kanilang mga pangangailangan.
Tiniyak ni Harvey Ong, Chief Operating Officer ng Alfamart na sila mismo ang pupunta sa mga komunidad para ialok ang malawak at napakaraming produktong kailangan ng mga Pilipino sa presyong abot kaya.
Patuloy aniya nilang tututukan ang mga komunidad na nangangailangan ng access sa mga pangunahing food products sa urban at maging sa mga malalayong lugar upang maging convenient ang araw araw na pamimili sa mga pamilyang nakatira sa mga nasabing lugar.
Kaya naman tila nabunutan ng tinik ang kagaya ni Sheena Bautista, isang Government Assessor dahil sila na mismo ang nilapitan ng Alfamart para ialok ang mga produktong kailangan nila at maging ng kanyang mga kapwa residente sa Barangay Nancalobasaan gayundin ang mga kalapit nilang barangay at hindi na kailangan pang magtungo sa bayan at mamasahe ng mahigit isandaang piso at halos isang oras na biyahe papunta at pabalik.
Ang Alfamart ay nagbukas ng kauna-unahang branch nito sa Pangasinan matapos makapag pasinaya ng 100 branch pa bilang pag-abot sa target na makapagbukas ng 250 Alfamart branches sa taong ito.
Taong 2014 nang magbukas ang Alfamart ng unang concept store nito sa Cavite at makalipas ang anim na taon ay lumago na ito sa pinag-isang supermarket at convenience store kung saan makakabili ng frozen meats, gulay, seafood at maraming iba pa para sa mga agarang pangangailangan ng kada komunidad.
Sinabi ni Ong na nais din nilang mag benepisyo ang mga komunidad sa mga lugar kung saan nagtatayo sila ng Alfmart dahil nakapagbibigay sila ng trabaho sa mga kinukuha nilang empleyado bukod pa sa pakikipag partner nila sa local lessors para makapag renta sila sa pagtatayuang lupa o building space gayundin sa local contractors para sa konstruksyon ng Alfamart branches at pagkakataong maibenta sa alfamart ang produkto ng local product suppliers.
Ayon kay Mary Joyce Sardena, isang Local Lessor malaking development sa kanilang lugar ang pagtatayo ng Alfamart branch na makakatulong din sa komunidad para sa mga dagdag investments.
Ang mga komunidad rin aniya mismo ay nakakatipid sa oras at resources sa pagbili ng mga fresh products lalo na ng frozen meat kaysa pumunta ng pamilihang bayan.
Muling tiniyak ni Ong na ang frozen goods sa lahat ng Alfamart stores ay naide-deliver ng ligtas at nakabatay sa health regulations dahil mayruong mga pasilidad sila tulad ng freezers, chillers at aircon units para mapanatiling fresh ang kanilang mga produkto.
Sinabi ni Ong na nagpapasalamat sila sa pagiging bahagi nila ng paglago ng komunidad at ito aniya ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon para maabot ang iba pa sa layuning makapagdala ng positibong bagay sa buhay ng mga tao.
Ang SM Investments Corporation ay isa sa nangungunang kumpanya sa bansa na nag-invest sa market leading businessess sa retail, banking at property bukod pa sa iba pang ventures para sa mga oportunidad na makakapagpapalago sa ekonomiya ng bansa.
Ang retail operations ng SM ay itinuturing na pinakamalaki at most diversified sa bansa sa pamamagitan ng food, non food at specialty retail stores.
Ang SM Prime Holdings Incorporated na property arm ng SM ay pinakamalaking integrated property developer sa buong bansa na mayruong investments sa malls, residences, offices, hotels at convention centers gayundin ang tourism related property developments.
Kabilang naman sa banking interests ng SM ang nangungunang pinakamalaking bangko na bdo unibank incorporated at ika-anim na pinakamalaking bangko na China Banking Corporation.