Bago i-hire o kunin ang mga hindi lisensyado o board eligible nurses bilang pansamantalang solusyon para tugunan ang kakulangan sa mga nurse.
Sinabi ni Senator Nancy Binay, na dapat muna na masusi itong pag-aralan at magkaroon ng malalim at malawak na konsultasyon.
Gayundin dapat anyang pakinggan muna ang pananaw ng mga nasa health sector at allied sector sa medical field.
Giit ni Senator Binay, na ang pinaka-praktikal na gawin ay unahing i-hire ang mga unemployed nurse o mga lisensyadong nurse na walang trabaho.
Ang budget na gagamitin sa pag-hire sa underboard ay ibigay na lamang sa mga nurse para magkaroon sila ng magandang kumpensasyon at benepisyo.
Una rito inirekomenda ni Health Secretary Teodoro Herbosa na i-hire ang mga nursing graduates na nakakuha ng 70% – 74% rating sa nursing board exam ito ay para matugunan ang malaking kakulangan ng mga nurse sa mga government hospital. – sa panunulat ni Jenn Patrolla
- ulat mula kay Cely-Ortega Bueno (Patrol 19).