Nanindigan ang embahada ng Amerika sa Pilipinas na kanilang igigiit ang isinasaad ng Visiting Forces Agreement o VFA.
Kaugnay ito sa usapin ng kostudiya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton matapos itong hatulan ng guilty ng Olongapo City RTC.
Naging matipid naman ang pahayag ng embahada hinggil sa ginawang hatol at pagpapababa sa kaso ni Pemberton sa homicide mula sa murder.
Nakasaad kasi sa nasabing kasunduan na mananatili sa kostudiya ng militar ng Pilipinas ang sinumang sundalong Amerikano na nasasangkot sa isang kaso hangga’t walang pinal na pasya hinggil sa usapin ang sangay ng hudikatura.
By Jaymark Dagala