Umabot na sa P2.00 ang itinaas ng presyo ng kada kilo ng bigas, partikular sa Metro Manila, sa mga nakalipas na araw.
Kinumpirma ni Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista na mula sa dating P20.00 ay umakyat na sa P23.00 per kilo ang farmgate price ng palay kaya’t nagmahal na ang bigas.
Ito, ayon kay Asec. Evangelista, ay bunsod ng nagtaas na gastos sa produksyon ng palay.
Kabilang naman sa inilatag na mga solusyon ng D.A. ang pagpapakilala sa iba pang agricultural inputs upang matulungan ang mga magsasaka na mapababa ang production cost.
Samantala, nanganganib namang sumirit pa ang presyo ng palay sa mga susunod na araw hangga’t hindi bumababa ang gastos sa produksyon.