Nasa tamang landas ang economic agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. isang taon matapos itong manumpa bilang ika-labimpitong presidente ng Pilipinas.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, ang mga programang pang-ekonomiya ng administrasyon ay makatutulong sa pagtataguyod ng kapakanan ng bawat mamamayan at pagpapaunlad ng kabuhayan sa bansa.
Pinatitiyak aniya ni PBBM na mapoprotektahan ang mga mahihirap at vulnerable sectors, hindi lamang laban sa mga sakuna at kalamidad, kundi maging sa epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin.
Sinabi ni Gatchalian na isa sa mga naging direktiba sa kanya ng Pangulo ay gawing simple at ilapit sa tao ang ayuda ng gobyerno.
Kaya naman, ibinida ng dating alkalde na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nakapagbukas agad sila ng mga sangay ng DSWD sa Bulacan, Antipolo, at maging sa hilaga, timog at silangang bahagi ng Metro Manila.