Ikinakasa na ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang imbestigasyon sa mga isinagawang procurement ng Office of the Vice President sa ilalargang budget deliberations sa kamara.
Kaugnay ito sa P668,000 na gastos ng OVP para sa pagtatayo ng mga satellite office na sinimulan nang maupo sa pwesto si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Aminado si Congresswoman Castro na labis silang nababahala sa umano’y minadaling procurement process
Hindi rin anya ito dapat ipagsawalang-bahala, lalo’t pera ng taumbayan ang pinag-uusapan.
Magugunitang nasilip ng Commission on Audit ang kabiguan ng OVP na tumalima sa procurement rules at processes sa pagbili nito sa mga property na nagkakahalaga ng P668,000 para sa satellite offices noong July 2022.