Tinatayang 7, 000 – 8,000 pulis at iba pang pwersa ng pamahalaan ang idedeploy sa ikalawang state of the nation address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Quezon City Police District Director Brigadier General Nicolas Torre III, 2,000 pulis ang magmumula sa kanilang hanay habang 3,000 naman ay manggagaling sa iba pang istasyon ng pulisya.
Aabot naman sa 400 – 500 personnel ang ipakakalat mula sa iba pang Law Enforcement Agencies, gaya ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.
Sa ngayon aniya ay wala pa silang natatanggap na aplikasyon para sa permit to rally mula sa mga grupong nagbabalak na magdaos ng kilos protesta.
Dagdag pa ni Bgen. Torre, handa sila sa posibleng ‘Worst-Case Scenarios’ at pagtiyak ng seguridad ng mga makikiisa sa SONA.