Nanindigan ang Department of Tourism na gamitin ang tourism slogan ‘Love the Philippines’ sa kabila ng pagbabatikos sa promotional video.
Ito ang kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum.
Kaugnay dito, ilang beses na binanggit ng kalihim ang ‘love the Philippines’ sa kanyang talumpati at ipinakita ang slogan logo sa stage ng naturang event.
Matatandaang pinutol na ng DOT ang kontrata nito sa DDB Philippines sa gitna ng kontrobersiya.
Samantala, iginiit ni Secretary Frasco noong 2022, na ang bahaging Tourism Direct Gross Value added sa Philippine Economy ay aabot sa 6.2 % o katumbas ng P1.38 trillion, na mas mataas sa 36% kumpara sa
P1 ,000,000,000 noong 2021. - sa panunulat ni Jenn Patrolla