Humihirit ng dagdag sahod ang mga manggagawa ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na itaas sa salary grade 4 ang sahod ng mga empleyado na sakop ng salary grade 1-3.
Gayundin ang gawing salary grade 15 ang entry level sahod ng professional level na research, extension, at professional staff o reps at administrative staff.
Pati na rin ang gawing salary grade 16 ang entry level salary ng instructor 1, at pagtataas ng lecturer’s fee.
Ayon sa binuong UP fight salary network ng mga reps at mga guro ng unibersidad ito’y dahil mahigit 1K empleyado ng UP ang nakatatanggap ng buwanang sahod na nasa salary grade (SG) 1-3 o aabot sa P13,000 hanggang P14,678, na mas mababa sa minimum wage.
Anila, lagpas ito sa kalahati ng mahigit 12,500 na empleyado ng pamantasan na nasa SG 1-10 o sumasahod ng P13,000 hanggang P23,000 na malayo umano sa P25,248 na family living wage batay sa pag-aaral ng Ibon Foundation.