Implementasyon ng P40 na umento sahod, tuloy na tuloy na ayon sa DOLE.
Tuloy na ang P40 na umento sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa metro manila simula Hulyo 16 sa kabila ng apela na isinampa ng mga labor group.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), inaasahang ipatutupad ng mga employer ang panibagong minimum wage
Kabilang sa naghain ng apela ang Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organization at Labor Alliance for National Development noong Hulyo 3.
Iginiit ng mga labor group na dapat maging basehan ng minimum wage ang family living wage na nagkakahalaga ng P1,161 at hindi ang poverty threshold
Nito lamang Hunyo 26 nang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag sahod sa Metro Manila o itinaas sa P610 mula sa kasalukuyang P570 epektibo simula sa Lunes.