Umabot sa 1,419 indibidwal o katumbas ng 400 pamilya ang pinalikas dahil sa ulang dala ng hanging habagat at bagyong Dodong.
Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 36 evacuation centers na sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas ang binuksan upang matuluyan ng mga nagsilikas
Habang 54 na pamilya o katumbas ng 89 indibidwal ang piniling manatili sa kani-kanilang kaanak.
Sa kabuuan higit 1,600 indibidwal o katumbas ng 491 pamilya sa 39 barangays ang bilang ng mga apektado ng sama ng panahon at 66 lungsod at munisipalidad na rin ang nagkansela ng klase.