Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng SM Prime Holdings Incorporated at Citicore Renewable Energy Company (CREC) bilang bahagi ng joint commitment sa pagsusulong ng renewable energy.
Sa pamamagitan ng nasabing partnership ang energy requirement ng SM Prime ang na hanggang 90 megawatts ay magmumula sa papatapos na lumbangan solar powerplant sa Tuy, Batangas ng CREC.
Ang nasabing kasunduan na epektibo sa unang bahagi ng 2024 ay bilang pagpapalakas sa commitment ng sm prime at CREC sa Retail Competition and Open Access Policies (RCOA) ng Department of Energy kabilang ang pagtataas sa renewable energy supply component ng bansa sa 35% hanggang sa taong 2030.
Binigyang-diin ni John Ong, SM Prime Chief Finance Officer na ang nasabing partnership ay pagpapakita nila ng strong commitment para sa sustainable operations sa mga developments sa buong bansa.
Kasama din aniya ito sa target ng SM Prime na maabot ang net zero sa taong 2040 kasabay ang pagtiyak na ang risk informed investments ay tututok sa sustainable development at mga positibong pagbabago sa mga kinauukulang komunidad.
Ang kasunduan sa SM Prime ay karagdagan din sa humahabang listahan ng CREC na blue chip company partners na nagpapatunay sa solid performance at service excellence ng kumpanya.
Sinabi ni Oliver Tan, CREC President na masaya silang makatuwang ang SM Prime sa pagbibigay ng malinis at ligtas na renewable energy para sa kanilang power requirements at naniniwala aniya silang malaking tulong ang SM Prime para higit pang mapalakas ang kampanya nila sa renewable energy.
Ang SM Prime ay isa sa pinakamalaking integrated property developers sa Southeast Asia na nag-aalok ng innovative and sustainable lifestyle cities para sa development ng malls, residences, offices, hotels at convention centers.
Layon naman ng Citicore renewable na manguna sa renewable energy revolution sa pamamagitan nang pag empower sa filipino communities sa pamamagitan ng positive energy kasabay ang commitment na isulong ang pagpapalakas sa first world philippines ng pure renewable energy sa tinatayang dagdag na 5 gigawatts ng green capacity sa susunod na limang taon.