Nagpasalamat ang Globe sa gobyerno sa ibinigay na 90 day extension para makapag-register ng kanilang sim cards.
Ito ayon sa Globe ay para mas maraming oras pa ang maibigay sa customers na makapagparehistro ng kanilang sim at mapayagan silang masakop ang mas marami pang sim users sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan.
Ayon sa Globe matapos inanunsyo ng gobyerno ang extended deadline para sa sim card registration nuong Abril kaagad silang nagkasa ng mga hakbangin para mas maging mabilis at maayos ang sim registration kabilang ang paggamit sa Gcash sa registration ng verified users at makapag-roll out ng mas maraming sim registration assistance desks sa buong bansa para tulungan ang mga customer na nagkaka problema sa pagpaparehistro ng kanilang sim.
Naniniwala ang Globe na dapat mabigyan ng dagdag pang oras ang sim users, mula December 27, 2022 hanggang July 25, 2023 o kabuuang 211 days na makapag parehistro ng kanilang sim.
Sa panig ng Globe hanggang nitong July 15 pumapalo na sa mahigit 47 million o 47.14 million na ang customers nilang nakapag parehistro ng kanilang sim card.
Patuloy pa ring hinihimok ng Globe ang iba pang customers nila na tumalima na sa Sim Registration Act sa nalalabing halos isang linggo na lamang bago ang July 25 deadline dahil malaking proteksyon mula sa fraud at iba pang cybercrime ang pagpaparehistro ng sim na kapag bigong naipa register ay magdudulot ng deactivation at hindi na makaka access ng mobile services para mga pang araw-araw na kailangan.
Una nang ikinasa ng Globe ang iba’t ibang platforms nito para sa sim registration ng Globe prepaid, TM at Globe at Home prepaid WiFi customers na uubrang gumamit ng Globe one app at maging ang Globe sim registration microsite na http://new.globe.com.ph/simreg na available 24/7.
Maaari namang makapagpa-register via Gcash app ang mga fully verified Gcash accounts at hanggang July 19 ilang piling Globe subscribers ang makakatanggap ng notification na nag-iimbita sa kanilang magparehistro ng kanilang sim sa pamamagitan nang pagte-text sa 8080 ng “Gcash” Kasunod ang kanilang birthday sa format na “MM/DD/YY”.
At kapag nakapagparehistro na makakatanggap ang customers ng akcnowledgement text message sa loob ng ilang araw.
Bukas ang Globe stores at easy hubs nito sa buong bansa para makatulong sa customers nitong makapag parehistro ng kanilang simcard.
Samantala ng Globe postpaid, Globe business postpaid at Globe platinum subscribers ay kabilang na sa sim registration database at para sa company owned Globe business prepaid accounts otomatiko nang naipadala sa authorized company representatives ang mga paraan para makapagparehistro.