Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Retired Court of Tax Appeals (CTA) Associate Justice Erlinda Piñera Uy bilang bagong miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC).
Batay sa appointment paper na nilagdaan ni PBBM nitong Hulyo 21, papalitan ni Uy si Atty. Franklin Demonteverde na napaso ang termino noong Hulyo 9.
Si Uy ay magiging kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa JBC.
Manunungkulan si Uy hanggang Hulyo 9,2027 sa konseho na siyang naatasang sumala ng mga aplikante sa hudikatura.
Makakasama naman ni Uy sa lupon si Chief Justice Alexander Gesmundo na nagsisilbi bilang ex-officio chairperson.
Maliban kina Uy at Gesmundo, kabilang naman sa mga incumbent members ng council sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ex-officio member; Sen. Francis Tolentino, Congress; Nesauro Firme, academe; ex-SC Justice Jose Catral Mendoza, retired SC justices; at Toribio Ilao Jr., private sector.