Pinayagan ng Quezon City Government ang Grupong Bayan na magkasa ng kilos protesta sa Commonwealth Avenue bukas, kasabay ng ikalawang pag-uulat sa bayan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Base sa permit na inisyu ng QC LGU, papayagan lamang ang bayan na maglunsad ng demonstrasyon mula Commonwealth Avenue hanggang Tandang Sora Avenue, simula 8AM hanggang 12NN ng tanghali.
Ayon sa lokal na pamahalaan, hindi nila pipigilan ang pagnanais ng grupo na maglunsad ng aktibidad, subalit dapat lamang na tumalima ang mga ito sa mga guidelines na inilatag ng Inter-Agency Task Force of the Management of Emerging Infectious Disease (IATF), at siguruhin hindi mababalam ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar.
Samantala, aabot naman sa 25,000 personnel ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) sa loob at labas ng Batasang Pambansa upang mapanatili ang peace and order sa mismong SONA ng Pangulo.